I came across this note in Facebook posted by some of my friends which flood my news feed every 5 minutes yesterday. I couldn't help but read each one and say "aba'y oo nga ano" *grin* which makes me one proud certified Batangueña although some of these terms are rarely used nowadays but I always hear them from the oldies in my childhood days.Here are just some of them from a thousand of Batangueño facts posted in their group.
BATANGUEÑO KA KUNG....
1. Alam na alam mo ang karibok,pandalas,matulin, bangi at mual.
2. Bumibili ka dati ng sapatos sa Foostep at bumibili ka ng pansit sa Wa-Nam tapos chichirya sa Utik-Utik.
3. Meron kang alaga sa bahay na buwik o bilot.
4. Galit ka sa apanas,kuyitib at lulumbo.
5. Pinapaunlakan mo pang sinabing "suminsay ka muna" at maghuhunta.
6. Masarap na minindal ang pilipit,buche buche, simukmani, binatog, panutsa, nilupak, sagimis at tinutong.
7. Marunong kang magsabaw ng kape sa bahaw na kanin.
8. Magalang ka sa iyong mamay at nanay.
9. Napapaumis ka pag naaalala ang crush mo.
10.Kung nung bata ka ay masaya ka na kapag nakapasyal ka sa Tom's, Caedo at Citimart.
11.Kapag ang tawag mo sa munggo ay balatong at kalamyas sa kamias.
12.Kung sumasakay ka sa Alps at Dela Rosa kapag luluwas ng Maynila.
13. Maaliwalas humiga sa katre sa silong at magpahinga.
14.Masarap ang paho at sibuyas na tagalog tapos may patis ng sinaing na tulingan.
15. Pag tinanong kung pasaan ka,sagot mo eh dine laang.
16.Bilin lagi ng nanay mo na wag liliban sa kalsada at baka mahagip kaya maigeng tumimo na lang sa basaysay.
17.Naghihinaw ka ng kamay bago kumain.
18. Nagagalit ang iyong inay pag ikaw ay pangkal maglaba ng tubal.
19. Nagkukurkor ka ng niyog sa kayuran kapag magluluto ng ginat-an.
20. Kung meron kang kahit isang balisong na nakatago kahit mapurol o di naman kaya'y gulok.
21. Kinakainisan ka kapag kamale-male ka bago sasali-salibuy-boy sa naghuhunta.
22. Mahilig kang mag-tuklong pag Mayo dahil sa pa-kendi.
23. Pinakasikat na tiyo sa Batangas ay si Tiyo Rudy. Ay dyuskupo po Rudy!
At syempre pa, purong Batangueño ka kung naiintindihan mo ang kathang-isip na usapang ito:


No comments:
Post a Comment